After all, books we read now will define us later.
—Cirilo F. Bautista, “The Romance of Books” (via minaseestheworld)
—Cirilo F. Bautista, “The Romance of Books” (via minaseestheworld)
http://risinganthem.blogspot.com/ - Journal for my first week of OJT is here.
Francis is an intern at Creativoices productions. He is an AB Communication student from De La Salle University - Dasmariñas
What you can post here:
Some important things to remember:
For further inquiries, please send an email to Roemina at roemina@creativoices.com
For accepted interns who need the information of contact persons for letters, take note of the following:
Information Technology Students
PETER BALTAZAR
Technical Support/ Sound Engineer
0915.942.2650
For Mass Communication and Marketing Students
ROEMINA DEOCAREZA
Writer/ Communications Manager
0905.151.1010
Because we believe in the power of documentation, you are required to post journal entries here. Your entries may contain what you have learned in a day, what you accomplsihed, and what these things have to do with your life (either personal or professional. Also, you are encouraged to post photos here (just the related ones only) as well as links of your works (videos, photos, etc.)
For your reference, please take a look at the samples posted below (Charet’s First Week & Charet’s Second Week).
Don’t be afraid. This can be informal. Enjoy writing/ posting about your ultimate CreatiVoices Experience! :)
April 17, 2007 – HALF DAY LANG
Creativoices Productions Headquarters – Dian St., Palanan, Makati City
Dumating: 12:30 pm
Nagpahinga: indefinite time. Patigil-tigil.
Bumalik: Indefinite din.
Umuwi: 7:20 pm
Status: half day lang ako kasi may aberya sa registration. Nyerr…
Pagod mula sa pag-re-reg’. Mainit at mabigat ang aking mga dala. Mabuti hindi lang ako ang nag-half day. Si Riza din. May aberya din ang registration niya. Naisip ko na sabay na lang kami pumasok sa HQ. kaya lang, mas mahirap pa pala yung problema niya. Ayun, kahit ayoko, iniwan ko muna si Riza. Bukas na siya makakapasok gawa ng problema niya. Sana maayos niya yun.
Dumating ako ng 12:15pm. Tinulak ko yung pinto. Hindi ko mabuksan. Wala yatang tao. Pero may tumutugtog na music. Sa labas muna ako nagpalamig kahit walang lamig. Hehe. Dumating na sila kasama ng pinabili kong pagkain. Ngek! Bukas pala yung HQ.
Nakibalita ako tungkol sa nangyari nung umaga. Pinakinggan daw nila ang finished product ng mga ringback na rinecord sa SFX. Sayang naman. Nakita ko yun i-record pero hindi ko man lang napakinggan. Kain kain ako dyan ng dumating na sina Sir Choy at kasama si Sir Lloyd. Hinati na kami sa isang big group at isang triad. Yung big group kay Sir Choy, yung small group, kay Sir Lloyd. Ano kayang pinag-uusapan nila? Hmm… sinara pa yung pinto e. Kami briefing about sa lahat ng dapat naming gawin this practicum period.
Requirements, requirements, requirements. Nakakatakot. Hindi ko kasi alam kung na-comply o ma-co-comply ko ang mga kailangan. Pero dapat lang presence of mind. Dapat note lang ng note. Inaamin ko nahirapan ako sa mga requirements. Nagkasakit kasi ako nung weekend. Stress siguro. Hindi lang siguro sanay sa buhay Manynila. Napagod talaga din ako e. Biyahe dito, biyahe doon. Nakakapagod din talaga bumiyahe. Pero enjoy naman. Madaming na-e-experience. Nagulat lang ako nung nag-text si Jeddah na may 10 children’s stories, may 1 Beck report, at 1 multiply site na gagawin. May research pa. Hala naman. Mina-migraine na ako the whole weekend. Hindi na ako umalis ng bahay. Haay…
Videocam. Dalawa na ang tumangging magpahiram sa akin. Grabe naman. Yung isa dadalhin sa bakasyon. Yung isa, hindi pa daw bayad videocam nya. Hala naman. Maghahanap ako ng videocam. Talaga. Kahit angng mangyari.
Kami yung naiwan dito sa HQ at sina Jeanette at Thea kasi hindi pa sila nakaka-experience mag-podcast. Ganun pala mag-inventory. Lahat ng gamit ay dapat i-note. Nakita ko yung mga poster, mga certification na naka-frame, mga tasa, plato, at iba pang mga anik-anik sa loob ng room. Hindi ko na nga lang nakita yung iba pero nag-enjoy ako magtingin, magkalkal, mag-note, at mag-ayos ng mga gamit. Saglit lang kami natapos. Nagawa na nila dati yung karamihan e. yung iba nag-formulate na ng questions. Sabi nila okay na daw sila dun kaya hindi na kami nakisama dun. Naglinis na lang kami ng HQ. Walis-walis, basura, dyan. Mainit din e kaya habang nagwawalis, nakabukas ang electric fan.
Kinamusta naming yung mga nag-po-podcast kay Chavit. Hala! 5pm na! Wala pa rin! Wag iboto si Chavit! Late late! Dumating na nga sila ng mga 7:30pm nang walang nakikitang Chavit Singson sa paligid. Haay… sayang ang oras. Tsk… Sana next time na makipag-appointment siya, dumating na siya ng tama sa oras. O kaya dumating na talaga siya. Grabe naman e. Pati kami naghintay. Walang iwanan dapat kasi.
Pero habang naghihintay, marami din kaming nagawa. Gaya ng ID na ginawa ni Bea! Wahoo! Ang galing! May ID na kami! May mga mali lang ng konti kaya pinaprint ulit. Pagdating nila Sir Choy at Sir Brian, nagka-autograph na ang aming mga ID. Weehee… yung iba samin kinilig kasi may ID na kami na official. Hehe. All access pass. Pero wag magpanggap. Masama yun.
Natapos nanaman ang isang araw. Kahit half day lang ako, marami pa ring ginawa. Siguro hindi hands on, pero intellectually, napagod din ako. Pati na rin sa biyahe. Bukas, translation ulit! Wah! The Grudge (Ju-on) naman! Hindi ako nanonood ng horror! Pero experience nga kung experience e. E di experience!
April 18, 2007 – THE GRUDGE (ANG SILAKBO NG DAMDAMIN NG PAGHIHIGANTI SA BUHAY NG ISANG INA AT ANAK NA KULAY PUTI ANG BALAT AT ITIM ANG MATA AT BIBIG NA PUMAPATAY NG TAO NA NAKATIRA SA ISANG LUMANG BAHAY )
Creativoices Productions Headquarters – Dian St., Palanan, Makati City
Dumating: 9:27 am
Nagpahinga: 12:00 nn
Bumalik: 1:00 pm
Umuwi: 6:15 pm
Status: ngarag sa pagtitili sa The Grudge!
Kinakabahan ako dahil mapapanood ko na ang The Grudge (Ju-on). Kagabi pa lang, na-i-imagine ko na yung makikita ko. Ako pa naman ang huling natulog sa tinitirhan ko kasi gumawa pa ako ng kwento. E ngayon sabi pa naman ni Sir Choy, mag-headstart na daw kami sa panonood para hindi na matambakan mamaya. Nay ko po… natatakot talaga ako e. Mag-jo-journal na lang ako. Hehe.
May dumating na bagong mga shelves at mga gamit sa HQ. wow, getting ready for the studio talaga a. Maganda nga yun e. Para dun na lang gagawa ng mga radio drama or dubbing, magiging komportable ang mga tao sa HQ, mga clients, at mga artists, at mas magiging cool ang HQ para sa future practicumers sa Creativoices. Hehe.
Kasabay ng init at alinsangan ng panahon, naglinis at nag-ayos kami. Taga punas ako ng una. Tapos tagabuhat, tapos taga-pukpok ng pako, taga tulak ng shelves, taga walis at iba pang linis work. In fairness, na miss kong mag-ayus-ayos ng mga gamit. At maganda naman ang resulta. Mas maayos ang bungad ng HQ. Samahan pa ng design skills ni Lhynne, iba na ang layout ng opisina. Lumuwang talaga. Siyempre wala pa yung studio nun. Pero mas gusto ko na yung bagong ayos. Mas may space kami to work and to play. Hehe. May “to play” talaga.
Natapos na rin ang mga paglilinis, pag-aayos, at pag-i-inventory. Film showing na! Nyahahay! Natakot talaga ako. Sa laptop ko pa nanood! E di nasa akin yung file! Wah! Kung tutuusin, matagal na-delay yung aming libreng sine dahil sa mga tina-type ng mga writers at dahil sa mga niligpit namin. Since tapos na kaming maglinis at busy ang mga writers, nanood na kami. Intro palang, sigaw na ako ng sigaw! Ang hina ko kasi sa mga horror na ganyan. Malakas kasi imagination ko. Naiisip ko na totoo yun. Vinideo pa nila yung mga reaksyon ko e. Comedy na nga para sa kanila yung The Grudge kasi natatawa sila sa mga reaksyon ko. Magagawa ba nila di ba? E sa natatakot ako e.
Overall, okay naman yung pelikula. Effective yung mga panggulat pero it did not sink in to me just what I had expected. Parang wala na lang. Siguro tumapang ako habang nagtagal ang panonood ko. Siguro din, mas pinapansin ko yung translation part ng panonood. Paano ba siya sasabihin sa Tagalog? Madaling ma-imagine pero pag ginagawa na yung translation, mahirap na. I can say na I am wiser now in terms of translating. Kasi dati ang focus ko sa eksaktong mga salita. Ngayon, iniisip ko na kung ano ba yung emosyon ng character. Kasi sa pagkakaintindi ko, naka-depende sa emosyon ng tao ang salitang bibitawan niya. Siyempre considering yung buka ng bibig at timing. Yun yung style na gusto kong i-apply sa pag-tra-translate ko. Kaya lang hindi namin natapos kasi gabi na. Pero excited akong ituloy yun bukas.
Kaya ko na yang The Grudge na yan! Translation na lang ang dapat katakutan!
April 19, 2007 – FREE DAY PLAY
Creativoices Productions Headquarters – Dian St., Palanan, Makati City
Dumating: 8:35 am
Nagpahinga: 12:15 pm
Bumalik: 1:00 pm
Umuwi: 4:30 pm
Status: naloloka sa mga kalokohan ng mga tao! Kaloka!
Basically, today is a free day. Ayoko ngang sabihin na wala kaming ginawa kasi sayang naman yung araw. Mainit pa rin as always. Dahil pinanood namin ang The Grudge kahapon, translation na ang gagawin. In fairness, mas nadalian ako sa pag-tra-translate ng The Grudge. Siguro mas gamay na namin. Hindi naman expert level pero kuha na namin kahit papaano. Ang problema lang binago yung The Grudge (Japanese) to The Grudge (American). Hala, napasugod tuloy sila Bea at Lhynne sa mga video pirates para maghanap ng kopya. Sa gitna ng init, wala silang nahanap. The Grudge 2 ang nadala nila. Nye! Panay The Grudge na! Baka kami rin ay ma-grudge na. Hehe!
Late na rin dumating sina Sir Choy e. Kaya the whole morning, translation/journal/story/kalokohan ang ginawa namin. Hehe! Ice breaker muna.
Pagkatapos ng lunch, ayun, dumali na ang mga kalokohan namin! Isang camera. Tatlong babae. Tatlong shades. Tatlong upuang may gulong. Isang tugtog. Gumawa kami ng isang production number. Haha! Nakakatawa! Kulitan na lang! Medyo alam ko na pag may trabaho, napapagod talaga kami. Habang wala pa, siyempre hapi-hapi muna. Kaya lang, nung dumating si Sir Choy, nagkakalokohan pa ako. Nyaiks patay na.
Pagkatapos ng mga kalokohan. Balik sa dating trabaho. Yung iba ginawa yung assignment ni Sir Lloyd, kami journal muna at kwento. Kasi hindi namin maituloy yung translation kasi wala pang copy ng American version. Aga nga naming nakauwi e. Hindi na ko gumimik. Uwi na agad. Para naman makapagpahinga. Pagod nga last week e.
Reality check.
[THIS IS ONLY THE START. WALA PA KAMI SA KALINGKINGAN.]
April 20, 2007 – GRUDGE GALORE PA RIN (?!)
Creativoices Productions Headquarters – Dian St., Palanan, Makati City
Dumating: 9:20
Nagpahinga: 12:00 nn
Bumalik: 1:00 pm
Umuwi: 6:36 pm
Status: uwian na sa LB! gig mamaya!
Dumating ako sa HQ sporting my birthday gifts for myself. Nabili ko na rin ang binabalik-balikan kong pants. Alam kong limited lang ang aking funds pero what the heck. At least useful naman siya. Mainit pa rin talaga. Pero okay lang. Summer talaga e. Sana nga lang ay maagapan pa ang global warming.
Balak ko ngang mag-half day ngayon kasi may gig kami sa LB. Dahil sa kakulangan din ng oras, medyo hindi nakapag-practice e. Pero out of 13 bands, panghuli daw kami. Mag-whole day na lang ako. Okay lang naman. Makakahabol naman siguro ako.
Pinanood pa namin ang Sarah Michelle Gellar na The Grudge. Haay nako naman ang mga Amerikano. Nagpapanggap na magaling sa horror. Walang kwenta e. Panay sigawan lang! Ang yabang na ng asta ko sa mga horror na yan! I survived the Japanese version! Chicken na lang tong American! Hahaha!
Mas natakot ako sa pagsisimula ulit ng bagong translation. Mas mahirap yung English e. Andaming dialogue! At hindi pa maintindihan yung mga bulungan. Dahil yung iba ay pumunta sa Inquirer kasi hindi pa nakakapag-podcast, may iilan kaming natira para i-translate ang pelikula para sa Sunday, makikita namin yung mga mali namin.
Nakuha na namin yung sandamakmak na numbers ng mga voice artists sa buong Pilipinas. Wow, may mga pangalan na familiar! Sila yung mga nababasa kong pangalan sa mga credits ng anime. Nango-ngontak na sila pero mahirap silang ma-contact. Busy siguro. Pero Monday is the day! Start na ng interviews. Nakakakaba pero mababait naman daw sila. Kaya kailangan lang namin maging ready at maging excited para sa tunay na simula ng trabaho.
Sa Sunday! ABS CBN! Weehee! Makakarating na rin ako dun na business ang pakay! Tapos magpapakilala kaming DUBBERS. Haha! Nagpapanggap! Pero ayus lang. DUBBER na kung DUBBER!
April 10, 2007 – ANG SIMULA
Creativoices Productions Headquarters – Dian St., Palanan, Makati City
Dumating: 9:01 am
Nagpahinga: 10:00 am – 1:30 pm
Bumalik: 2:00 pm
Umuwi: 4:00 pm
Status: probinsyana ever to instant urban monkey in the urban jungle
Orientation na pala! Hindi ko alam. Mabuti naman at nag-text sa akin si Riza. Niyaya pa niya ako mag-practicum sa Creativoices! Accepted na nga ako e! Sabi sa e-mail na natanggap ko. Sa gabi ng April 9, nagulantang nalang ako sa aking vacation mode at tumulak papuntang Makati.
Di ko pa alam ang lugar kaya taxi galore! First time! Ano ba ang magagawa ng isang probinsyanang katulad ko. Ang mahal nga e. Dati 6pesos lang ang ibinabayad ko para makarating sa mga pupuntahan ko. Pero ngayon, 70pesos na! wah! More than 10x ang nilaki! Malapit na nga akong ma-late nun e. Mag-9am na! (yun ang sabi nilang calltime e.) Dumating kami sa tapat ng Light Blue Laundry sa light blue na building. Dumating kami ni Thea ng 9:01am. Halos sakto lang! Nandun na nga lang silang lahat. Ang init! Pero hinintay pa rin namin magbukas ang office. Sabi nakakakandado pa raw.
>tik tak tik tak tik tak<
Alas-diyes na. Basa na kami sa pawis at amoy ewan na kami. Pero hindi pa dumadating ang mga “bosses” namin. May natanggap na text si Jeddah. May meeting pa daw sila with senatoriable Angara. Wow! Big time! Senator na agad ang kausap. Siyempre, ano pa naman kaming mga estudyante. Kliyente muna. Okay lang na wala pa! Let’s go to the mall!
[Mall. Mall. Mall. Mall. Mall. Kain. Mall. Mall. Mall. Mall. Mall. Kain. Kain. Mall. Mall]
Nag-meet kami nila Jenss at Mon sa McDo para makabalik sa HQ on time. Pero picturan muna with Ronald McDonald! Haha!
2pm. Dumating na sila. Sina Sir Brian at Sir Choy. Wow… introduction pa lang, nakakamangha na. Sila pala yung mga napapakinggan ko sa radio at tv.
Cool! Dati napapakinggan ko lang at naaliw ako. Ngayon, kaharap na namin sila at boss namin sila! Whoa.
Briefing. Background. Requirements. Lahat ng pwedeng masabi sa orientation, nasabi na sa amin. Pero, ang importante, nalaman namin na napakalaking opportunity na mabilang o magsilbi para sa kakaibang mundo ng voice acting. Tama nga ang sabi nila. It is everywhere but we don’t give a big regard to the people who are behind voice production. Kaya’t sabi ni Sir Choy, we will be a part of history. Kami ang magiging instrumento sa pagkilala at pagtuklas sa mundo ng voice production. Sa dami ba naman ng mga anime, cartoons, commercials, telecom, websites, at iba pang mga medium na ginagamitan ang boses, walang pangalan ang mga taong gumagawa nito. Layunin nila na mapakilala sa Pilipinas na maraming mga “talentado” dito! Madami talaga! Bawat isa pa lang sa amin, talentado na. Paano pa ang 86million pang mga Pilipino? For a noble cause nga. Kaya’t gusto ko rin makatulong.
Dahil dito, requirements, requirements! Tatlo pa! Audio, video, at text. Wah! Ngarag. Pero okay lang siguro. Marami naman akong mararanasan at mapupuntahan sa proseso. Learning + Application = More learning & understanding. May bonus pa ngang tutorials ng sound and film editing at website making! Wahaha!
NGEK! Start na pala bukas! Di pa ako nakakalipat! Nakaka-excite!
CHECKLIST:
[+] digicam – meron kahit sira ang LCD
[-] videocam – wala. Manghihiram pa.
[+] journal – notebook lang e!
[-] recorder – wala. Andamot ng kapatid ko e. bulok naman mp3 nya. Pwe.
April 11, 2007 – PAGSASALIN NG SALITA, PAGSASALIN NG IDEYA
Creativoices Productions Headquarters – Dian St. , Palanan, Makati City
Dumating: 10:01 am
Nagpahinga: 12:30 am – 1:30 pm
Bumalik: 1:45 pm
Umuwi: 7:36 pm
Status: may cold, cough, headache at hindi nakauwi sa LB
Translation pala kami ngayon. Hindi naman sa amin binanggit ni Sir na ngayon na pala. Ayun, sugod mga kapatid sina Bea at Jeddah sa bahay nila para kunin ang laptop. Ang init pa naman sa labas.
Masarap sana ang tulog ko kung hindi lang ako may sakit. Lumala ang allergic rhinitis ko na triggered by the exposure to dust, smoke, and sudden change in temperature na nararanasan ko dito. Kahit na ganun ang nararamdaman ko, excited pa rin ako.
Set up na agad pagdating ni Sir Choy. Translation daw e. Naisip ko na parang anime yata yun. At hindi nga ako nagkamali. Shura No Toki ang title ng anime na pinapalabas sa Hero TV. Hindi ko pa naririnig yung tungkol dun sa anime na yun. Bilang background, tungkol daw ito sa isang part ng history ng Japan. Sa period ng transition from Shogunate to Meiji restoration. Episode 22 kami : Farewell My Friend. English with English subtitle ang material. Mas madali daw ito kaysa Japanese with English subs. Napansin nga namin na iba ang sinasabi ng text sa tunay na context ng audio. By 11:30, simula na kami. Ang tip ay dapat pormal naman ang mga salita pero nakadepende sa buka ng bibig at nasa emosyon at sitwasyon ng eksena.
[TWO HOURS AFTER]
Wah! Ang hirap pala! Isang linya pa lang, mahirap nang maglapat ng salita! Iisipin mo ang tamang use (dapat hindi masyadong pormal. Dapat medyo nasa vernacular ang style nya.) at tamang ibig sabihin (halimbawa ang paggamit ng salitang papatayin . maaring papaslangin, tatapusin, dudurgin, at iba pa.). dumating na si Sir at nagsimula na rin mag-translate.
[AFTER THIRTY MINUTES]
Tapos na! aba naman… kami ilang oras nang nagtatalo sa kung ano bang mga salita ang gagamitin. Isang episode lang yun a! grabe. Kapag sanay na talaga, iba na yung bilis nila. First time pa lang naman e. Understandable naman siguro. So deadline, 5pm. Wah! Kaya ba namin yun? 4pm na hindi pa kami nangangalahati. Ang hirap magseryoso sa pag-tra-translate kasi nakaka-enjoy talaga siya. Pero sa dami ng oras na naubos namin, crunch time na. go go go! Trabaho na.
Kami ang unang nakatapos. 7:35pm. Grabe. Ginabi na kami sa HQ. okay lang naman kasi pinaghirapan namin yun. Naging editor pa ako ng first draft. Taga lapat sa boses habang tina-type. Para ma-check namin kung sakto ba yung mga salita sa buka ng bibig at makita ang mga grammar, vocabulary, at emotion lapses. Double check sa typographical errors… double check sa format… printing… log out… uwi na.
Nakakapagod! Pero all worth it. Hindi rin biro magsulat at magisip ng mga salita para magsalin ng isang 20minute episode. Mas mahaba pa ang i-gu-gugol mo sa pagpalit ng salita kaysa sa mismong haba ng palabas na sinasalin mo. Madali na nga yun e kasi English na yung material. Paano kaya kung Japanese to English to Filipino? Mas dudugo ang ilong namin siguro nun!
Pero the fact that we did it, it is still a great achievement. No matter how crappy it is. First time lang naman e. Special pa rin yun.
April 12, 2007 – LUBBING DUBBING
SFX Production Studios – 117 Sct. Castor St., Tomas Morato, Quezon City
Dumating: 10:06 am
Nagpahinga: 12:00 am – 1:00 pm
Bumalik: 1:10 pm
Nagpahinga ulit: 4:30pm – 5:30pm
Umuwi: 6:15 pm
Status: nilamig, sinisipon, namanhga at hindi pa rin nakauwi sa LB
Dumating kami sa SFX ng hindi namin alam ang inaasahan. Pero nung Makita na naming yung studio, wow! Ang ganda! Astig pala sa studio na yun. Nakarating na ko dati sa ibang studio na pangbanda, pero parang yung studio na yun design meets functionality. Ang ganda talaga. Anlamig pa. pangarap kong maging behind the sound panel. Pihit-pihit ka dun. Hehe. Pero siyempre, masaya maging dubber. Behind the mic. Yes… ito na yun e. nakikita ko mismo yung gusto kong gawin balang araw.
Naabutan namin na nag-re-record ng Que Horror para sa Smart Telecommunications (yung binabayaran daw ng 2.50pesos to download tapos mapapakinggan mo). Saglit lang, tapos na. Grabe, expert na e. parang pinasadahan lang, good take na. after agad ng take ni Sir, Shura No Toki naman. Wah! May episode nga pala kami dun!
Unang sinalang ang Episode 21 na sinalin ni Sir Choy. Yung 30minutes lang niya ginawa. Parang 30minutes nga lang rin rinecord yun e. nagkabuhay na si Ryoma sa pagboboses ni Sir Noel na nagboses din kay Optimus Prime sa Transformers at kay Inu Yasha. Galing nya. Tantya lang ng konti, sabak na agad. Pati si Sir Arnold, dumating lang, salang na! e siya naman pala yung director ng Samurai X. director na. siyempre he knows a lot. Para lang silang nagbabatuhan ng linya na wala lang. nakakatuwa silang pagmasdan e. parang mga naglalarong bata lang.
Akala ko noon, kapag nag-recording, bawal magkamali. Pero sa bilis na lang ng teknolohiya ngayon, edit on the spot. Dahil dun, makikita mo rin ang kagalingan ng mga technicians at mga editors ng mga dubbing. Nahuhuli agad nila ang pagkakamali tapos naka-cue na agad yung part na okay na. diretso recording ulit!
Coordination ng pagbasa, pagbo-boses, at pag-synchronize sa buka ng bibig ang trabaho na ginagawa ng mga dubber. Ang hirap nun. Baka nga nalilito na ang utak nila sa dami ng ginagawa nila at the same time. Sanayan lang siguro. Maliit palang siguro ako, sila na yung nagbo-boses sa mga cartoons na sinubaybayan ko. Dahil sa experience nila, para na lang silang naglalaro. Kumikita pa sila. Ang saya ng trabaho na yun. Sa umpisa talaga siguro mahirap. Pero kapag nawili ka at in-e-enjoy mo ang ginagawa mo, magiging ganun na lang din kadali ang ginagawa mong pag-du-dub.
Wah! Episode na naming yung i-du-dub! Nakakakaba! Baka maraming mali! Episode 21: Paalam na Kaibigan. Hindi namin alam kung tama ba yung ginawa namin e. wala na kasing nag-edit kasi ginabi na kami nun sa paggawa. Ngak! Maraming masyadong mahaba ang mga line at hindi applicable yung mga salita sa buka ng bibig. Masyado yata naming ginawang formal yung language ng cartoons. Pwede naman pala kasing gumamit ng mga simpleng English na salita na part na ng vernacular natin. Pero nagtuloy-tuloy pa rin naman ang mga dubbers. Sabi naman ni Sir Choy okay naman daw yung ginawa namin e. kaya kasi i-handle ng mga dubbers yung adjustments ng script. Para lang mai-air yung ginawa namin, malaking honor na yun.
After lunch, sina Sir Brian naman ang sasabak. Kasama ang dalawang babae. Yehey! May mga babae na rin. Di rin nagpatalo! Pati sila magagaling din! Nalaman pa namin na isa dun si Ma’am Pinky, na super friendly at kalog, ay nakarating ng LB! wahoo! Hehe! Siya din yung nagboboses ng mga batang lalaki sa anime! Tignan mo nga naman. Siya pala yun. Hehe! Siya din daw si Jenny ng Ghost Fighter! Paborito ko yun e! Ayus na honor yun a! Dinub na nila ng tuloy-tuloy yung para sa Smart. Que Horror, Komedi, at Ispup ang ginawa nila. Parang nagkakatuwaan lang sila e. Pati kaming nanonood, nagtatawanan kasi nakakatawa talaga sila! Siyempre, wala uling practice yun. Go kung go! Nagpakiramdaman lang e. Natapos lang yung ginawa nila na parang hindi sila napagod.
Dumating na rin si Izumi! Wee! Nabubuo na ang cast ng Shura No Toki! Pati si Ran may boses na! nag-double o triple role na nga yung iba e. Si Sir Arnold, bagay na bagay ang boses na binigay niya kay Izumi. Nabigyan ng conviction yung character niya dahil lang sa boses. Nakakamangha e. galing.
Naisip ko na ang susi sa magaling na voice over ay experience. Madali na lang kapag sanay ka na. ON THE SPOT na nga lang lahat sa kanila e. the professionalism also comes with the age in the business. Sa simula palang siguro, nakita na rin nila kung gaano iyon kahirap. Pero sa pagtanda na nila sa industriya, nag-e-evolve na rin sila to experts. Kumikita pa sila dito na kung titignan ay parang naglalaro lang. pero may bayad man o hindi, kita sa kanila na taos puso nilang ginagawa ito. Kahit walang bayad, gagawin pa siguro nila ito. Love what you do dapat. Good things will come.
Masaya ako at naranasan ko ito. Marami akong nakita at natutunan. Sana ako din next time. Haha!
April 13, 2007 – FRIDAY THE 13TH LUCKY
Creativoices Productions Headquarters – Dian St., Palanan, Makati City
Inquirer.net office, Rufino Bldg., MakatiCity
Cinema 3, Megamall, Ortigas
Dumating: 9:26 am
Nagpahinga: 12:30 am – 1:30 pm
Umuwi: 7:30 pm
Status: init na init at sa wakas makakauwi na sa LB
Umaga pa lang, recording agad. Sa mismong office pa. Ang ganda ng equipment! Gusto ko nga ng mga ganun e. kasi ako din nag-re-recording sa bahay. Sinara lang yung mga bintana, set up ng mic na ikakabit sa laptop, sound check, sabak na agad. May script lang at nagsalita na ang mga talents. Ang saya kasi naki-extra pa kami. Kunwari school crowd, taga palakpak, mga beach goers; ang saya! Makakasama kami sa recording for the promption of the MDG’s or Millennium Development Goals.
Pero sa totoo lang, ginawa namin ay mag-transcribe ng aming journal para maipasa agad ng Sabado through e-mail. Tapos kapag kailangan na ng boses ng crowd, ayun na, hihirit na kami! Nakakatawa! Kasi nakikipaglokohan na lang yung mga dialogue namin. Siyempre, must observe proper volume kami ng background. Kasi baka ma-over power yung mismong bida sa ingay namin at maging magulo.
After nun, tinuruan kami mag-sound edit ni Sir Choy with Adobe Audition. Nag-e-edit na rin ako dati pero wala naman akong software e. lahat sana ng Adobe meron ako. Pwede tanggalin ang background noise, i-cut ang mga mali at mga unnecessary hirit kapag nagkakatuwaan, at iba pang mga pampagulo. Astig pero nakakpagod yun. Naranasan ko na rin mag-edit ng kanta e. Mixing-mixing, cut, enhance; nakakasakit ng leeg at nakakapagod sa mata. Pero enjoy.
Dahil ang iba ay nag-iinterview kay Sir Allan, transcribe lang kaming tatlo nila Joy at Lyn. Masaya kasi na-re-recall ko ang mga experiences ko. Nung isang pagkakataon ay tinanong ni Joy kung pwede ba daw siyang mag-edit kasi may alam naman kasi siya sa Audition. Ang galing kasi pinayagan siya! Cool! Baka siya na rin ang maging editor! Woohoo! Dahil mag-lu-lunch na sila, ako na ang ginawang taga-sunod sa in-e-edit ni Joy. Nakakamanghang pagmasadan yung mga pagtatanggal ng mga mali. Ganun lang kadali. Click na lang ng click ngayon. Nakakapagod lang kasi kapag mahaba.
Pagbalik namin mula ng lunch break, tapos na ang MDG recording. Ang astig pakinggan kapag may background music na at may mga effects na. Buhay na ang nagawa. Para nang totoo yung dating. Kahit yung mga ingay-ingay na ginawa namin, parang naiayos na para iba na yung labas. Crowd na nga kung crowd. May intro pa. At kasama pa yata dun theme ng MDG’s kasi pinatugtog kanina. Iniisip namin na gawing theme song yung ng aming internship! Haha! Trippings lang.
Kami pala ay napili na sumama sa podcasting sa Inquirer.net. Exciting. Kami yung huling batch ng lalabas e at mag-o-observe sa out-of-office work nila. Binitbit ko yung Samson na mic para sa podcasting. Wow… gusto ko din nung equipment na iyon. Sayang, taga-bitbit lang ako. Hindi sumama si Sir Choy kasi mag-e-edit daw siya sa bahay. Nakita namin bahay niya at baby! Ang kyut ng anak niya! Kamukha nya rin e! iniabot niya kasi yung isa pang set ng mic na gagamitin. So, off we go to Rufino!
[AFTER 45 MINUTES]
Grabe. Wala pa kaming makuhang taxi. Lagi ba naman kaming tinatanggihan. Traffic daw dun! Aba naman… sila na ang nagreklamo. Init na init na kami at dinedeadma lang kami sa tabing kalsada. Buti may mabait na mama na pinagbigyan kami. Traffic nga pero patience lang ang kailangan. Babayaran naman sila e. Pagkalampas nga ng traffic area ok na yung daloy ng trapiko e.
Nakarating na din kami sa Rufino Bldg. grabe, pati yung manong guard kilala si Ate Marice. Ganun na sila kadalas sa Inquirer. Pati yung mga Senador na ini-interview alam niya e. 9th floor ang office. Ang lamig dun. Ang sarap ng pakiramdam. Doon ay nakita namin si Sir Brian kasama sina Sir Alex at Sir Joey ng Inquirer.net. Hosts sila ng Hackenslash na podcast na tungkol sa gaming, gadgets, at iba pang mga cyber-related topics. I-interview-hin nila ang isang taga-ABS CBN under AMPED isang branch ng ABSCBN Interactive na nag-ha-handle ng online games, multimedia, mobile, at iba pa. nag-pictorial pa kami na parang pirate kasi para daw makita sa site na nag-e-enjoy naman sila. Extra ulit kami complete with props pa!
Nagsimula ang interview after ng set up ng mics. Tungkol ito sa isang bagong online game na War Rock galing Korea. Interesting ang pinag-usapan nila: san ito nakuha, tungkol saan ang game, system requirements, market, at iba pa. dun ko nakumpara ang iba’t ibang pwedeng paggamitan ng boses. Una sa animation kung saan, tantyahan ang gawain. Dapat sabayan ang buka ng bibig at magbigay ng reaksyon sa bawat kilos, galaw, reaksyon ng character. Sa radio drama naman, nasa dating ng boses ang nakasalalay. Dapat ramdam ng babasa ang emosyon ng karakter niya para ang labas ng boses ay tama. Dagdagan pa ng sound effects, ayus na. Sa broadcasting o podcasting naman, nakadepende sa content. Kung anong laman ng inyong pinag-uusapan o sinabi ang importante. Siguro secondary na lang yung background music o kung ano mang add on. Kasi sa interview na nakita ko, maraming impormasyon ang naipakita ng nagtatanong at tinatanong. Nagiging interesado ang mga makikinig dahil sa mga nakukuha nila dito. Ganun pala iyon. Nakumpara ko na silang lahat. Mas naiintindihan ko na ngayon. Kanya-kanyang mga features din pala yun. Kaya’t hindi rin nagkakapare-pareho. Siguro kung meron man, yun ay in terms of technicality: sa equipment, sa fluency, at sa ethics.
Nang matapos ang interview, chikahan na lang sila. Nakakatuwa e. kahit mag-usap sila ng normal, English pa rin. Nakatulong rin kaming magligpit at mag-set up nila Bea at Lyn ng mga equipment. Pero hindi yung mismong equipment. Yung mga lalagyan lang nun.
Nag-text yung mga kasama namin. Nagpunta daw sila sa launch ng Beck! Hala! Wala pa kami dun at naiwan sina Jeddah at Thea sa office! Madali kaming pumunta dun para makasama kaming lahat. Ayun, after getting a go signal from Sir Choy, tulak na kami papuntang Megamall. Siyempre bago namin ma-ayos ang office. In fairness, maayos ang pagkaka-arrange ng mga natira sa office sa mga gamit. Lumuwag yung room.
Mahaba ang biyahe. Nag-bus na kami papuntangMegamall e. Traffic pa naman pero okay lang. Naka-abot pa naman kami. Wow… nasa big screen yung anime! Galing! Ganda! Gusto ko kasi yung kwento. Mga banda-banda. Makaka-relate ako nyan sigurado. Andun daw sina Raymund Marasigan at Myrene Academia! Mga idols ko! Kaya lang umalis na daw sila. Kaya si Sam Concepcion nalang at si Stephanie nalang ang natira. Nakapag-pa-picture pa kami sa kanya! Kay gwapo naman pala ng batang iyon. Hinanap pa namin si Sir Carlo na part ng mga tao behind the production of Beck. At masaya na rin na makakilala ng kapwa mo Elbizen na nagtatagumpay sa larangan ng anime at voice acting. Parang reunion yung dating! Ang saya!
Pagkatapos nun, uwian na. Pagod na ang lahat. At makakauwi na rin ako sa wakas sa Los Baños! After three days of hiraman at pakikitira! Wah! Yehey! Halos 9:30pm na rin ako nakasakay ng bus. Nakatulog na nga ako e. 12mn na ko nakarating sa amin. There’s no place like house. Hehe. Kama ko, damit ko, gamit ko! Wah! I am so happy!
Pagod na pagod na ako. First few days palang yun. Pero naalala ko ang kasabihan. When you feel tired after doing something, it means that you’ve made an effort. Sobrang effort na nga e! kaya ganito siguro. O sige na!
GOOD NIGHT! CONGRATS ON MY FIRST WEEK!
(Source: creativoicesojt.multiply.com)
CreatiVoices is known not just of its excellence in the world of voice acting but in giving extraordinary and unforgettable experiences to its interns in fields such as Mass Communication, Information Technology, Marketing, and other related fields.
Surely, these accepted marketing students will learn more not just about the traditional means of marketing but also the new ways of it. Also, they will certainly be inspired because of the things that they can learn from the company.